May isang pilipinang nanay na namatay sa Amerika dahil sa heart attack. Pagdating nang bangkay sa Pilipinas ay napansin ng mga anak nito na ang mukha at katawan ng inay nila ay dikit na dikit na sa salamin ng kabaong. Sabi tuloy ng isa, "Ay tingnan mo yan, hindi sila marunong mag-asikaso ng patay sa Amerika". Nang biniksan nila ang coffin, may napansin silang sulat sa ibabaw ng dibdib ng kanilang inay. Mula ito sa kanilang kapatid na bababe na nakatira sa Amerika. Dahan-dahang kinuha at nanginginig na binuksan ni Kuya ang sulat at binasa sa buong pamilya:
"Mahal Kong mga Kapatid,
Hayan na si Inay! Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang inay sa pag-uwi diyan sa Pilipinas sa dahilan na napakamahal ng pamasahe. Anyway, pinadala ko kasama ni inay ang:
- dalawampu't apat na karne norte na nasa likod ni Inay. Maghati-hati na kayo.
- anim na bagong labas na Adidas Rubber shoes...isa suot-suot ni Inay... ang lima nasa ulunan ni Inay...isa-isa na kayo riyan.
- iba't ibang klaseng tsokolate, nasa puwit ni Inay...yan na lang ang ipasalubong nyo dun sa mga taga-barangay natin...
- anim na Ralph Lauren na t-shirts suot-suot ni Inay...para sa iyo, Kuya, at isa-isa ang mga pamangkin ko.
- isang dosenang Wonderbra na gustong-gusto ninyo, mga kapatid ko, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati na kayo riyan.
- dalawang dosenang Victoria Secret na panties na inaasam-asam ninyo, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati na rin kayo, Ate.
- walong Dockers na pantalon suot-suot din ni Nanay. Subukan nyong ibenta dyan. Kapag mabili ay magpapadala pa ako.
ang Rolex na hinahabilin mo, Kuya, eh suot-suot din ni Inay.
- ang hikaw, singsing at kuwintas na gustong-gusto mo, Ate, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na.
Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang siya dito. Balitaan niyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Ang Nagmamahal ninyong kapatid,Nene
P.S. Pakibihisan na lang si Inay pagkatapos..."
No comments:
Post a Comment