When you say: "Ako ang tigas sa amin."
You really mean: "Ako ang tigas-saing ng kanin,
tigas-sampay ng labada at tigas-sundo sa eskuwela ng mga bata."
When you say: "Gagawin ko kahit ayaw ng misis ko."
You really mean: "Gagawin kong maghugas ng pinggan
kung ayaw niya, gagawin kong maglaba kung ayaw niya."
When you say: "Kapag sinabi kong hiwalay, HIWALAY!"
You really mean: "Hiniwalay ko na ang puti sa de-kolor
at baka kumupas ang labada."
When you say: "Lahat ng utos ko ay pasigaw."
You really mean: "Hoy bilisan mo naman iyang kape at
giniginaw na ako dito sa labahan!"
When you say: "Ako ang laging nasusunod!"
You really mean: "Oo, dear susunod na ako sa iyo sa palengke."
When you say: "Nakukuha ko siya sa isang salita!"
You really mean: "Honey, huwag mo na akong batukan at masakit!"
When you say: "Inaabot siya sa akin ng mura!"
You really mean: "'Ling naman, mura lang naman iyong
sapatos na bibilhin ko!"
When you say: "Kaya ko siyang paluhurin!"
You really mean: "Paluhod niyang sinabing 'Hoy duwag,
lumabas ka riyan sa ilalim ng kama kungdi tatamaan ka sa akin!'"
When you say: "Hindi niya ako kayang pagplantsahin!"
You really mean: "Hindi pwede kasi hindi pa ako tapos maglaba."
No comments:
Post a Comment